Philippine National Police

National Capital Region Police Office

PBGEN DEBOLD M SINAS

PROJECT SIBOL NI PMGEN DANAO PATULOY ANG PAGTULONG SA PAMILYANG YBANAG SA ISANG SITIO SA PATEROS

“Serbisyong TAMA; TApat, may tapang at MAlasakit sa mamamayan.”

Iyan ang mga salitang parating naririnig ng publiko mula sa Regional Director ng NCRPO na si PMGEN VICENTE D DANAO JR., ngunit lingid sa kaalaman ng karamihan hindi lamang ito puro salita kundi pati na din sa gawa.

Isa nga sa patunay ng pagmamalasakit ni PMGEN DANAO sa mga taong mas nangangailangan ay ang paglulunsad niya ng PROJECT SIBOL (Simula ng Isang Bagong Oportunidad sa Lipunan) isa itong “adopt a sitio/community project” na naglalayon na bigyan ng bagong pag-asa ang mga kababayang naghihikahos sa buhay at labis na naapektuhan ng pandemya.

Una na ngang nabigyang tulong ng proyekto ito ay ang tatlumpo’t limang (35) pamilyang Ybanag na naninirahan sa isang maliit na Sitio sa Barangay Santo Rosario, Silangan, Pateros na pinamumuan ng kanilang Sitio Leader na si Tatay Celso Canceran, isang tricycle driver.

Sa unang bahagi ng proyekto, noong ika-8 ng April, 2021, ang kapulisan ng NCRPO sa pangunguna ng Regional Community Affairs Development Division ay naglunsad ng isang clean-up drive sa nasabing barangay. Sapagkat naniniwala si PMGEN DANAO na dapat bigyang prioridad ang pagpapanatili ng isang malinis at maayos ang kapaligiran lalong lalo na ngayong panahon ng pandemya.

Sa pagpapatuloy ay nagbigay din ang mga kapulisan ng food packs medicine kits upang makatulong sa kanilang pangaraw-araw na pamumuhay. Napalitan na din ang sirang water pump na siyang pinagkukunan ng malinis na pang hugas, panglaba at pangligo ng mga pamilyang naninirahan doon. Isa pa sa nabigyang pansin ay ang sirang tricycle ni Tatay Celso, Sitio Leader, nagtulong-tulong ang mga kapulisan upang mapalitan ang mga sirang bahagi ng kanyang tricycle.

Ang nasabing sitio ay mayroon ding “community garden” kung saan mayroon silang mga tanim na gulay. Ito na ang kanilang pinagkakaabalahan at napagkukunan din ng kanilang makakain dahil karamihan sa mga naninirahan doon ay nawalan ng hanap-buhay dahil sa pandemya.

Nagpaplano din ang NCRPO na makipag ugnayan sa TESDA upang mas maturuan sila ng tamang paraan ng pagtatanim at pag-aalaga ng pato at manok sa kanilang komunidad.

At bilang tulong sa mga batang naroon ay binigyan din sila ng mga kapulisan ng NCRPO ng mga maayos na mga damit. Ang gamit naman na gaya ng tsinelas, sapatos ay nakatakda namang ibigay sa mga susunod na araw sa tulong ng isa sa mga benefactor ng NCRPO sa kanilang programang Serbisyong Tama: Caravan sa Barangay. Gayundin din ang ilang mga gamit pang eskwela na kanilang magagamit sa kanilang pag-aaral.

Kapansin-pansin din ang aktibong patulong ng samahan ng KKDAT at mga Barangay Officials upang mailagay sa ayos ang mga taong naninirahan sa Barangay Santo Rosario. Isang paraan din ito para maiwasan na mahikayat sila ng mga makakaliwang grupo upang isali sa kanilang samahan.

Kung ikukumpara noong unang beses na napuntahan ng pwersa ng kapulisan ang nasabing Sitio, malaki na ang naging pagbabago nito sa ngayon. Sa simpleng adhikain ni PMGEN DANAO na makatulong ay nabigyang pansin na din ito ng ibang kompanya at indibidwal at nangakong tutulong upang maisaayos ang kanilang mga tirahan dahil ito ay sira at tagpi tagpi lamang.

Patuloy lamang ang pakikipag-ugnayan at pakikipag-usap ng TEAM NCRPO sa mga tao at grupong nais na tumulong upang makapagbigay pa ng iba nilang pangangailangan at maisakatupan ang plano na pagsasaayos ng mga tirahan para sa mga pamilyang Ybanag.

Sa isang pahayag ni PMGEN DANAO ay sinabi niyang “alam kong matagal na panahon na kayong naninirahan sa lugar na ito. Ang iba sa inyo ay dito na ipinanganak at dito na din nakapag-asawa. Pero sana ay huwag kayong mawalan ng pag-asa na may pagkakataon pa kayo upang mapaulad ang inyong mga buhay. Andito kami, ang TEAM NCRPO at iba pang mga grupong may mabubuting kalooban upang kayo ay tulungan na makaahon sa kahirapan at mabigyan ng oportunidad na maging prodaktibo at ng kayo ay magkaroon ng magandang trabaho. Sa tulong ng ibang ahensya ng gobyerno, ang mga nananahan dito ay siSIBOL , sa kanila magsiSimula ng Isang Bagong Oportunidad sa Lipunan. ” ###