Philippine National Police

National Capital Region Police Office

PBGEN DEBOLD M SINAS

NCRPO, NAMAHAGI NG TULONG SA MAMAMAYAN NG PATEROS

Nagbahagi ng tulong ang pamunuan ng NCRPO sa pangunguna ni PBGEN BENJAMIN ACORDA JR, Deputy Regional Director for Operations kasama sina PCOL JULIUS C SURIBEN, hepe ng RCADD, PMAJ CHANDA A MONTE, hepe ng FJGADS, at PMAJ SANTOS D CANDIDO, hepe ng SALAAM, RCADD kasama rin ang Pateros Police, ang KKDAT Officer ng Pateros na si Hon Jessa Joy Abejar at iba pang opisyal ng Barangay San Roque sa mga pinaka apektadong residente ng Barangay San Roque, sa Munisipalidad ng Pateros.

Sanhi ng mas pinaigting na pagpapatupad ng enhanced community quarantine upang maiwasan ang paglaganap ng nakakamatay na sakit sa kalakhang Maynila, maraming residente ang patuloy na nahihirapang maitawid ang pang araw-araw na pangangailangan ng kanilang pamilya.

Higit isang taon mula ng mag umpisa ang kasalukuyang krisis pangkalusugan, ramdam ng NCRPO sa pamumuno ni PMGEN VICENTE D DANAO JR, Regional Director ang hirap at alinlangan ng mga mamamayan sa kung paano matutustusan ang kanilang mga pangangailangan.

Upang makapag hatid ng tulong, personal na nag bahay-bahay at namigay ng mga food packs ang NCRPO sa 100 na residenteng pinaka apektado ng kasalakuyang krisis at 100 na miyembro ng TODA sa Barangay San Roque at Sto Rosario Silangan, Munisipalidad ng Pateros.

Lubos ang pasasalamat ng mga mamamayan sa walang sawang paghahatid tulong at serbisyo ng NCRPO sa kabila ng panganib na dulot ng nakamamatay na sakit.

Ikinalugod naman ni PMGEN DANAO ang maayos na pagpapatupad at pamamahagi ng tulong ng kanyang mga tauhan sa nasabing barangay.

“Minabuti namin na personal na magpunta ang aming mga tauhan sa tahanan ng mga kwalipikadong benepisyaryo upang masigurong masusunod ang mga umiiral na panunutunang pangkalusugan tulad ng pag susuot ng face mask at face shield at pag papanatili ng ligtas na distasya ng lahat ng nakibahagi sa programang ito. Nawa ay nagawa naming pagaanin sa maliit naming pamamaraan ang hirap na dinadanas ng ating mamamayan sa panahon ng kasalukuyang krisis pangkalusugan.” Wika ni RD DANAO.

Ang aktibidad na ito ay bahagi ng programa ng pamunuan ni PMGEN DANAO JR na may temang “NCRPO, Serbisyong Tama Caravan sa Barangay na kung saan layon nitong tumulong sa mga kababayan nating nangangailangan higit lalo ngayon na ang ating bansa ay kumakaharap sa pandemya.

Makakaasa po kayo na ang Team NCRPO ay Magseserbisyo ng TAMA: TApat, may tapang at MAlasakit para sa mamamayan.”###