Philippine National Police

National Capital Region Police Office

PBGEN DEBOLD M SINAS







NCRPO MKTB (Mobile Kusina Tele-eskewela at Bayanihan) Umarangkada sa Marikina

Hindi matatawaran ang pagseserbisyo ng kapulisan ng team NCRPO sa liderato ng butihing hepe ng Pampulisyang Kabisera na si PMGEN VICENTE D DANAO JR sa pangunguna ni PCOL JULIUS SURIBEN, Hepe RCADD, NCRPO, PLTCOL JENNY TECSON, RPIO/ PIS-RCADD, PLTCOL DIANE DEL ROSARIO, Asst Chief, RCADD, PMAJ GIAN NAPOLEON BAQUIRAN; PMAJ CHANDA MONTE, PMAJ ROSE MARIE DICHE at iba pang tauhan ng RCADD.

Muli sila ay umarangkada at nagbarangayanihan sa ilang barangay sa Siyudad ng Marikina na apektado ng kalamidad ngayong araw, ika -24 ng Hulyo taong kasalukuyan kasama ang Direktor ng Eastern Police District na si PBGEN MATTHEW P BACCAY; PCOL BENLINER CAPILI, Hepe ng Marikina Police Station sampu ng kanilang mga tauhan at ilang mga force multiplier sa lugar.

Mahigit 300 daang pamilya na may bilang na 1500 indibidwal ang nabigyan ng kaunting tulong mula sa team NCRPO maliban sa mainit na pagkain na ipinamahagi sa mga inilikas na apektado ng bagyong Fabian.

Ang inyong Team NCRPO ay laging nariyan “handang maglingkod, magbigay ng serbisyong TAMA: TApat may tapang at MAlasakit para sa mamamayan.”