Philippine National Police

National Capital Region Police Office

PBGEN DEBOLD M SINAS

Mga aktibidadis ng NCRPO sa Araw ng mga Manggagawa 2021

Ang pamunuan ng National Capital Region Police Office sa pangunguna ni PMGEN VICENTE D DANAO JR, Regional Director kasama ang ating mga JTF NCR sa pamumuno ni BGEN MARCELIANO V TEOFILO, JTF NCR Commander, SK Presidents, KKDAT NCR. Maging sa mga kasama na mula sa AFP, PNP SAF, BJMP, BFP, PNPA, PCG, BuCor, DILG, DOH, DENR, mga NGAs, at Forwarding/Delivery Companies, ay maglulunsad ng Career Counseling and Coaching Seminar sa ika 30 ng Abril taong kasalukuyan via zoom teleconference. Layunin ng nasabing programa ang maabot at matulungan ang ating mga kababayan upang magkaroon ng trabaho sa gitna ng umiiral na krisis pangkalusugan.

Ang programang ito ay kaugnay ng ating Programang SIBOL o Simula ng Isang Bagong Oportunidad sa Lipunan na naglalayon na bigyan ng bagong pag-asa ang mga kababayang higit na nangangailangan sa buhay at labis na naapektuhan ng pandemya. Ang nasabing Career Counseling and Coaching Seminar ay kung saan sa tulong ng mga eksperto, ay bibigyan ng ideya o gabay ang ating mga kababayan kung anong trabaho ang umaayon sa kanilang interes na naaangkop ngayong panahon ng pandemya. Magsilbi rin itong pag asa na kanilang panghahawakan upang muli ay bumangon, humakbang at magpatuloy sa hamon ng buhay.

– Samantala sa Mayo uno naman ay magsasagawa din ng ON LINE JOB FAIR,
A Poverty Reduction Livelihood and Employment Cluster upang mabigyan ng pagkakataon na makapaghanap ng naa-angkop na trabaho sa kasalukuyang panahon. Ito rin ay alinsunod sa Poverty Reduction Livelihood and Employment Cluster Initiative na naglalayong mapabuti ang serbisyo ng gobyerno para sa mga mamamayan, bilang pagsisikap ng pamahalaan na itaguyod na mapanatili ang kapayapaan sa ating komunidad.

Sa gaganaping On Line Job Fair, umaasa kami na makakahanap kayo ng trabaho sa mga ahensiya ng gobyernong tumugon at sumuporta sa proyekto ng NCRPO ganun din sa ibang institusyon na gustong tumulong sa ating mga mamamayan. Binibigyan din natin ng pagkakataon ang ating mga kabataan na magkaroon ng pagkakakitaan sa halip na gumawa ng mga bagay na walang katuturan.

Inaasahan namin na ang programang isasagawa ng NCRPO ay magsilbing inspirasyon upang magpatuloy sa buhay at labanan ang lahat ng mga hamon na dala ng kasalukuyang pandemya, ganun din ang paglaban sa Kriminalidad, iligal na Droga at Terorismo.

Maliban sa dalawang unang nabanggit ang Team NCRPO din ay magsasagawa ng Regionwide Simultaneous Serbisyong TAMA Caravan para sa Manggagawang Pinoy at Barangay mula April 30, 2021 hanggang Mayo 1, 2021 kung saan nasa humigit kumulang 2, 422 food packs ang ipapamimigay.

Ang nasabing distribusyon ay gagawing house to house sa mga piling lugar ng metro manila . Ito ay isang paraan upang mapanatili ang ating alituntunin alinsunod sa DOH health standard protocol.