Philippine National Police

National Capital Region Police Office

PBGEN DEBOLD M SINAS

Libreng Sakay Program ng Team NCRPO on the Go…

Patuloy sa pag arangkada ang libreng sakay ng Team NCRPO sa pamumuno ni PMGEN VICENTE D DANAO JR. Ang libreng sakay ay inilunsad upang kahit papaano ay matugunan ang kakulangan sa transportasyon ng ating mga essential workers o APOR na papauwi at papunta sa kanilang mga trabaho.
Muli ay nagpaalala din ang pamunuan ng NCRPO ng kooperasyon ng ating mga kababayan na hanggat maaari ay iwasan o huwag lalabas ng kanilang mga tahanan kung hindi nman kinakailangan. Mahigpit din na ang mga individwal na dapat na nasa labas ay mga essential workers/APOR.
Magtulungan tayo na labanan ang pagkalat ng covid 19 virus, laging mag suot ng facemask, faceshield at dumistansya ng isang metro. Ugaliin dun ang paghuhugas ng kamay ng 20 segundo o mag sanitize gamit ang alcohol.###